Ligtas namang namalagi sa kani-kanilang mga tahanan ang mga bata ng “Goin’ Bulilit” (GB) at dahil walang pasok, sinulit nalang nila ang oras na makasama ang pamilya.
Sa episode ng GB ngayong Linggo (Agosto 12), hindi sa bahay namalagi ang GB kids dahil sa ilalim ng tulay nila naisipang tumambay. Aawitin ng kids ang “May Pulis Sa Ilalim ng Tulay” sa isang musical habang patatawanin nila ang mga manonood sa gags na “Ilalim ng Tulay”, “Ang pagbabalik ng Halimaw sa Estero” at “Ang Corny”.
Hindi rin palalampasin ng kids ang commercial ng isang gamot na may tag-line na “Ingat!” dahil pati ito ay gagawan nila ng spoof.
Abangan ang lahat ng ‘yan sa “Goin’ Bulilit” ngayong Linggo (Agosto 12) pagkatapos ng “TV Patrol Weekend” sa ABS-CBN.
Share








0 comments:
Post a Comment