Haharap ngayong Sabado (Setyembre 22) sa “The Bottomline With Boy Abunda” si Sen. Loren Legarda upang magbahagi ng kanyang pananaw at saloobin sa maiinit na diskusyon sa Senado kaugnay ng mga kontrobersyal na panukalang batas tulad ng Reproductive Health (RH Bill), Anti-Epal Bill, at ng kapipirma lamang na Anti-Cybercrime Law.
Bakit nga ba napapatagal ang pagproseso ng mga batas sa bansa? Tulad ng Anti-Cybercrime Law, naniniwala ba siyang ipapasa rin ng Senado ang RH at Anti-Epal Bills? Bilang isang senador, ano pa nga ba ang mga batas na dapat ipatupad sa Pilipinas? Makialam sa mga isyung panlipunan at huwag palampasin ang ‘Ani ng Dangal 2012′ awardee na “The Bottomline with Boy Abunda” ngayong Sabado, 11:30 ng gabi, pagkatapos ng “Banana Split” sa ABS-CBN.
Para sa karagdagang updates, mag-log on lamang sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.
Share








0 comments:
Post a Comment