Ultimate showdown ng timeless beauty at talent ang matutunghayan ngayong Linggo (Nobyembre 25) sa pagbisita ng "Walang Hanggan" star na si Dawn Zulueta sa solo musical variety show ni Popstar Sarah Geronimo na “Sarah G. Live!”
Bukod kay Dawn, abangan din sa “SGL” ang makatindig-balahibong musical spectacle ng dating South Border vocalists na sina Luke Mijares at Duncan Ramos; special performance ni Hayden Kho; at ang back-to-back smash up dance number ng Kapamilya child wonder na si Bugoy CariƱo at ng “Luv U” lead stars na sina Kiray Celis, Miles Ocampo, Marco Gumabao, at Igi Boy Flores. Samantala, huwag palampasin ang panibagong adventure ni Sarah bilang isang panadera kasama si Jobert Austria sa ‘Sige Go’ segment; at ang pagbisita ng Kapamilya heartthrobs na sina Diether Ocampo at Matteo Guidicelli bilang guest co-host ng Popstar.
Kasama pa rin ni Sarah ngayong Linggo ang resident dance royalty na si Gab Valenciano, at co-host niyang na si Luis Manzano. Huwag palampasin ang trending at top-rating Sunday primetime show ng ABS-CBN, “Sarah G. Live,” 8:15pm, pagkatapos ng “Rated K.” Para sa karagdagang updates, mag-log on sawww.abs-cbn.com o sundan ang @SGLiveOFFICIAL sa Twitter at SarahGLiveOFFICIAL sa Facebook.
Share








0 comments:
Post a Comment