Welcome to Kapamilya One! (K1).

Kapamilya One (K1) is a 5-year-old blog giving Kapamilya News and information all over the world. This blog caters all news and information about the Philippines' largest media and entertainment conglomerate, ABS-CBN. ABS-CBN is best known for pioneering radio and television in Southeast Asia and for its flagship television network ABS-CBN, the first commercial television network in Asia. Today the company has expanded to be the largest media empire in the Philippines with reaches still unmatched to this day.

Know more about ABS-CBN

ABS–CBN Corporation is a Philippine-based media conglomerate. It is the Philippines' largest media and entertainment conglomerate. The corporation was the merger of Alto Broadcasting System (ABS) which at that time owned by James Lindenberg and Antonio Quirino, and the...

ABS-CBN TV Schedule

Updated TV schedule of your favorite Kapamilya Channel!

This is default featured slide 3 title

Go to Blogger edit html and find these sentences.Now replace these sentences with your own descriptions.This theme is Bloggerized by Lasantha Bandara - Premiumbloggertemplates.com.

This is default featured slide 4 title

Go to Blogger edit html and find these sentences.Now replace these sentences with your own descriptions.This theme is Bloggerized by Lasantha Bandara - Premiumbloggertemplates.com.

Star Cinema

ABS-CBN Film Productions, Inc. (known as Star Cinema), is a Filipino film and television production company and distributor and the country's largest film production company producing most of the highest grossing Filipino films of all time.

Friday, January 20, 2012

"Toda Max" na pag-ibig at tagumpay, hangad ni Angel Locsin


Kung may isang bagay na hangad is Angel Loscin ngayong taon, iyon ang manaig ang pag-ibig hindi lamang para sa isang taong espesyal sa kanya, kung hindi maging sa mga kapamilya, kaibigan at mga tagahanga niya.

Kaya tulad ng kanyang pag-ibig sa kapwa, lubos din ang kanyang pagmamahal sa bago niyang pelikula sa Star Cinema na “UnOfficially Yours,” kung saan muli niyang makakatambal ang Box Office King na si John Lloyd Cruz. Siyempre, hangad din ni Angel ang tagumpay ng pelikula.

Sa isang interbyu, ibinahagi ni Angel ang karakter sa pelikula na si Ces, na may kaibahan man sa pagkatao ni Isabel sa “TODA Max,” ay epektibo naman niyang nagagampanan.

Ang leading man ni Angel sa “TODA Max” na si Vhong Navarro, na pumatok din noon sa pelikula, ay masayang-masaya para sa “UnOfficially Yours.” Aniya, sa sobrang mapagmahal ng dalaga ay deserve nito ang mga biyaya’t malalaking proyekto.

Isa sa biyayang tinutukoy ni Vhong ay ang mataas na TV ratings ng “TODA Max.” Ayon sa datos mula sa Kantar Media noong Sabado (Enero 14), nanatiling numero unong sitcom ang “TODA Max,” lalo’t nakakuha ito ng 21.9%, kumpara sa 19.8% ng isang public affairs program at 4.9% ng isang horroe series sa mga kalabang istasyon.

Samantala, ngayong Sabado (Enero 21) sa “TODA Max,” manatili pa kaya ang pag-ibig sa pagitan nina Isabel (Angel) at Justin (Vhong)?

Magdedesisyon si Justin na ipagpatuloy ang kanyang pangarap na makapag-abroad, kaya’t isasara niya ang kanyang carenderia. Sasama ang loob sa kanya ng kasintahang si Isabel dahil hindi siya sumangguni sa dalaga bago mag-desisyon.

Si Tol (Robin Padilla) naman, malulungkot dahil malalaman niyang ang pagtuloy niya at ng kanyang mga anak sa bahay ng pinsang si Justin ay naging hadlang din para sa pangarap ng binata.

Sa mapanghamong panahong ito, tatakbuhan ni Isabel ang kaibigang si Tol. Paano kung ang pagdamay sa isa’t isay humantong sa pagkakamabutihan?

Tunghayan ang “TODA Max,” pagkatapos ng “Maalaala Mo Kaya” sa ABS-CBN. Para sa mga updates, mag-logon sa http://twitter.com/abscbndotcom.

Share

Birthday wish ni Kuya Kim, ilalantad ngayong Linggo sa "Matanglawin"

Todo na nga ang paghahanda ni Kuya Kim sa nalalapit niyang pagsali sa triathlon at maging ang kanyang birthday wish ay kaugnay pa rin sa kanyang pagsasanay dito.


“Wish ko na mas matuto at mas lalo pang humusay sa paglangoy bilang paghahanda sa aking lalahukang Ironman 70.3 triathlon,” sabi ni Kuya Kim na magdiriwang ng kaarawan sa Martes (Jan 24). “Dapat sana makalangoy ako ng 2 kilometro ng hindi tumitigil sa loob ng isang oras pagsapit ng Agosto.”

Dahil sa kanyang nalalapit na kaarawan, isang sopresa ang inihanda ng kanyang staff sa multi-awarded educational program na “Matanglawin” na mapapanood ngayong Linggo (Jan 22). Kasabay ng kanyang pagbahagi ng dapat gawin sa mga worst-case scenarios tulad ng aksidente sa sasakyan, pagnanakaw, at biglang pag-atake ng aso, ay isang birthday treat nga ang handog sa kanya ng production team ng programa.

Nang tanungin naman kung anong wish niya pang magawa sa “Matanglawin” bukod pa sa mga nauna niya ng kapangahasang ginawa, sagot ng Trivia King “gusto ko pumunta sa North Pole.”

Sa mga nakaraang taon, ibinihagi ni Kuya Kim ang mga kaalaman tungkol sa mga hayop, kalikasan, pop culture atbp. Nakita rin ang katapangan ni Kuya Kim sa pagharap sa iba’t ibang mga pagsubok tulad ng paghiga sa kabaong, pagtira sa gubat, pagpunta sa bunganga ng bulkan at pagkakasakmal ng bayawak.

Kaya naman isa siya sa pinakapinaparangalang educational program host sa bansa at nakatamo na ng pagkilala sa mga prestihiyosong award giving bodies tulad ng PMPC Star Awards, EMPRESS Golden Screen TV Awards, Anak TV Seal, UP Gandingan, at USTv Awards noong 2011.

Huwag palalampasin ang espesyal na birthday episode ng ”Matanglawin” para kay Kuya Kim ngayong Linggo (Jan 22), 9:30 ng umaga sa ABS-CBN.

Share

Keanna Reeves VS Ethel Booba sa Feeling Genius ng "HYY"


Wala nang makakapigil pa sa sayang handog ng “Happy Yipee Yehey” (HYY) lalo’t ngayong Sabado, magpapatuloy ang puno ng pagmamahal mula sa show na birthday celebration ni Toni Gonzaga. Muli ring aarangkada ang tagisan ng galing sa “Feeling Genius.”

Noong Biyernes (Enero 20 sa HYY), isang cake ang handog para kay Toni ng kanyang mga co-host sa programa. Ngunit, hindi niya pa hinipan ang kandilang nakatusok sa cake dahil sabi ng kanyang mga kasama ay umpisa pa lang ng kanyang makulay at masayang birthday celebration.

Sa isang panayam kamakailan, sinabi ni Toni na wala na siyang mahihiling pa sa kanyang kaarawan. Aniya, humiling na kasi siya noong bagong taon pa lang kaya hindi na niya kailangan mag-birthday wish. At kung meron pa man iyon ang dunong at katatagan ng loob.

"Kasi, napakasalimuot ng industriyang ito. So, you need wisdom para alam mo kung ano ang gagawin mo at kung saan ka pupunta in the future,” ani Toni.


Samantala, noong nakaraang Sabado naman, nanaig ang galing ni Keanna Reeves laban kay Angelica sa “Feeling Genius.” Ngayong Sabado, muling sasabak si Keanna sa matinding battle of the brains kung saan makakaharap naman niya ang kasing-sexy na si Ethel Booba. Sino kaya sa kanilang dalawa ang tatanghaling Feeling Genius?

Walang patid ang kasiyahan na handog ng pinaka-masayang kabarkada sa tanghali. Huwag palampasin ang “Happy Yipee Yehey!” mula Lunes hanggang Sabado, pagkatapos ng “Showtime” sa ABS-CBN.

Share

Engrandeng double celebration, magaganap sa Quirino Grandstand sa pagdiriwang ng "ASAP 2012" ng Chinese New Year Ngayong Linggo


Dalawang engrandeng selebrasyon ng Chinese New Year ang handog ngayong Linggo (Enero 22) ng “ASAP 2012.” May libreng party na magaganap sa Quirino Grandstand sa ganap na 12:15 ng tanghali na mapapanood sa ABS-CBN at isang New Year countdown na magsisimula sa ganap na alas-8 ng gabi.

Sabayan bumati ng 'Kung Hei Fat Choi' ang mga naglalakihang bituin ng "ASAP 2012" na pangungunahan nina Gary Valenciano, ZsaZsa Padilla, Piolo Pascual, Luis Manzano, Kim Chiu, Jericho Rosales, KC Concepcion, Cristine Reyes, Sam Milby, at Sarah Geronimo.


Tampok rin ngayong Linggo ang grand farewell ng malapit nang magtapos na Primetime Bida teleseryeng “Ikaw ay Pag-ibig” kasama ang Kapamilya child wonders na sina Zaijan Jaranilla, Xyriel Manabat, Mutya Orquia, at Louise Abuel; samantala, bibisita rin ang cast ng pinakabagong Kapamilya teleserye na “E-Boy” na pangungunahan ng bida nitong si Budoy Cariño, kasama ang mga premyadong bituin na sina Ariel Rivera, Agot Isidro, Jomari Yllana, at Valerie Concepcion.

Ipagdiwang ang Year of the Water Dragon kasama ang mga bituin ng dalawang bagong Kapamilya Gold teleserye: sina Maja Salvador, Patrick Garcia at Jason Abalos mula sa “Lumayo Ka Man Sa Akin;” at Empress, Ejay Falcon, at Nikki Gil ng “Mundo Man Ay Magunaw.” Kasama rin ang mga bida ng pinakabagong Star Cinema movie na “My Cactus Heart” na sina Maja, Matteo Guidecelli, at Xian Lim.

Abangan ang world-class concert performances nina Arnel Pineda; cast ng ‘Mamma Mia!’ at espesyal na concert performances nina Christian Bautista, Jed Madela, Erik Santos, Karylle, Yeng Constantino, Zia Quizon, Vincent Bueno, Boys R Boys, ASAP Pinoy Champs, at ASAP Sessionistas. Huwag ring palampasin maki-hataw kasama ang ASAP Supahdancers na sina Iya Villania, Gab Valenciano, Rayver Cruz, John Prats, Enchong Dee, at Enrique Gil. Dadalo rin sa Chinese New Year celebration ang "Growing Up" stars na sina Julia Montes, Kathryn Bernardo, at Diego Loyzaga.

Ang lahat ay inaanyayahang makkisaya sa libreng pagdiriwang at countdown sa bagong taon ngayong Linggo (Enero 22) sa Quirino Grandstand.

Makipagdiwang sa 2011 PMPC Star Awards Best Musical Variety Show and Golden Screen Awards 2011’s Outstanding Musical Program “ASAP 2012” ngayong Linggo, 12:15nn, sa ABS-CBN. Para sa updates, pictures at tsansang maka-hang out nang live ang stars ng ASAP Chill-Out, bumisita lamang sa http://asap.abs-cbn.com/sundan ang @ASAPOFFICIAL sa Twitter, o i-‘like’ ang http://facebook.com/asapofficial.

Share

Tuesday, January 17, 2012

"Walang Hanggan," nanguna na agad sa TV ratings


Pinakatinutukan ng buong sambayanan ang pagbubukas ng kuwento ng pinakabagong Primetime Bida teleserye ng ABS-CBN na “Walang Hanggan” na nanguna sa national TV ratings noong Lunes (Enero 16) taglay ang 32.1%, ayon sa Kantar Media.

Wagi sa ratings ang teleseryeng pinagbibidahan nina Susan Roces, Helen Gamboa, Richard Gomez, Dawn Zulueta, Julia Montes at Coco Martin kumpara sa 16.8% national TV rating ng kasabayan nitong bagong programa ng GMA na “Legacy.”

Bukod sa TV ratings, patok rin ang “Walang Hanggan” sa microblogging site na Twitter. Naging top trending topic sa Twitter ang programa, samantalanag pinag-usapan ‘worldwide’ sina Dawn at Susan.

Sa pagpapatuloy ng kuwento, tuklasin ang kahahantungan ng pag-iibigang mula sa tatlong magkakaibang henerasyon: ang ‘love triangle’ nina Virginia (Susan), Margaret (Helen), at John (Eddie Gutierrez); nawasak na relasyon nina Marco (Richard) at Emily (Dawn); at ang umuusbong na pag-iibigan nina Daniel (Coco) at Katerina (Julia).

Bubuo sa ‘powerhouse cast’ ang mga mahuhusay na artistang sina Rita Avila, Melissa Ricks, Joem Bascon, at Paulo Avelino; kasama pa si Joel Torre sa isang natatanging pagganap. Ito ay sa ilalim ng direksyon nina Jerry Lopez Sineneng at Trina Dayrit.

Patuloy na tutukan ang “Walang Hanggan,” gabi-gabi, pagkatapos ng “Budoy,” sa ABS-CBN Primetime Bida. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.

Share

Friday, January 13, 2012

Ang nalalapit na pagtatapos ng "Reputasyon"


Huling linggo na ng top-rating Kapamiya Gold teleseryeng pinagbibidahan ni Cristine Reyes, ang “Reputasyon.” Ngayong sunod-sunod nang naglalabasan ang katotohanan sa likod ng naganap na eskadalong kinasangkutan ni Agnes (Cristine), tuluyan na nga kaya niyang malinis ang reputasyon ng kanilang pamilya sa publiko o hanggang sa huli ay pagdududahan sila?

Tutukan hanggang sa wakas ang kasasapitan ng mga hindi malilimutang karakter ng “Reputasyon” tulad nina Henry (Rayver Cruz), Boyet (Jason Abalos), Luisa (Jaclyn Jose), Jose (Lito Pimentel), Concordia (Laurice Guillen), at Catherine Villamayor (Aiko Melendez).

Huwag palampasin ang mga mas malalaking pasabog sa pagtatapos ng teleseryeng “Reputasyon,” araw-araw, bago ang ‘Maria la del Barrio’ sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com at sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.

Share

Fiestang-fiesta na "ASAP 2012" ngayong Linggo

Maki-piyesta ngayong Linggo (Enero 8) sa “ASAP 2012” kasama ang pinakamalalaking pangalan sa showbiz sa pangunguna ng ASAP Kapamilya mainstays na sina Gary Valenciano, ZsaZsa Padilla, Luis Manzano, Cristine Reyes, Sam Milby, Jericho Rosales, at ang pinakaaabangang pagbabalik ni Sarah Geronimo.


Sisimulan ang pagdiriwang sa ‘ultimate’ birthday surprise para kina Ultimate Heartthrob Piolo Pascual at Ultimate Multi-media Star Toni Gonzaga.

Pakikinangin naman ang ASAP concert stage ng mga powerhouse cast ng pinakabagong handog ng Star Cinema na “My Cactus Heart,” at apat na Kapamilya teleserye kabilang ang malapit nang magtapos ng “My Binondo Girl” at ang mga bagong seryeng “Walang Hanggan,” “Lumayo Ka Man Sa Akin” at ‘Luv U.”

Magpapasalamat sa ‘Jandy’ at ‘Janyx’ fans sina Kim Chiu, Xian Lim, Matteo Guidicelli, at Jolo Revilla at mag-aanyaya na tutukan ang ‘dragon finale’ ng “My Binondo Girl.” Samantala, naglalakihang bituin ang mag-iimbita para sa nalalapit na pagbubukas ng kuwento ng “Walang Hanggan.” Darating sa “ASAP 2012” sina Coco Martin, Julia Montes, Richard Gomez, Dawn Zulueta, Melissa Ricks, Paulo Avelino, Joem Bascon, Rita Avila, plus Philippine showbiz royalties Eddie Guttierez, Helen Gamboa, at Susan Roces!

Siksik sa world-class concert performances din ang “ASAP 2012” mula kina Vina Morales, Christian Bautista, Angeline Quinto, Jed Madela, Erik Santos, Yeng Constantino, Jovit Baldivino, Marcelito Pomoy, Vincent Bueno, Nikki Gil , Zia Quizon at sa ASAP Sessionistas. Tutukan rin ang back-to-back album launche nina Aiza at OPM legend Basil Valdez. Isa pang espesyal na sorpresa ang hatid ng new generation Pinoy rock band na Parokya ni Edgar.

Gayundin, todo-hataw rin ang ipapasiklab ng ASAP Supahdancers na sina Rayver Cruz, Gab Valenciano, Sam Concepcion, Enchong Dee, Enrique Gil, Iya Villania, Empress, at Maja Salvador.

Abangan rin ngayong Linggo ang pinakabagong ASAP Kapamilya dahil ipakikilala na siya!

Makipagdiwang sa 2011 PMPC Star Awards Best Musical Variety Show and Golden Screen Awards 2011’s Outstanding Musical Program “ASAP 2012” ngayong Linggo, 12:15nn, sa ABS-CBN. Para sa updates, pictures at tsansang maka-hang out nang live ang stars ng ASAP Chill-Out, bumisita lamang sa http://asap.abs-cbn.com/ sundan ang@ASAPOFFICIAL sa Twitter, o i-‘like’ ang http://facebook.com/asapofficial.

Share

ANC, ilulunsad ang coverage na "Chief Justice on Trial"

Noong taong 2000, nanguna ang ANC sa paghahatid ng walang humpay na coverage ng impeachment trial ng dating Pangulong Joseph Ejercito Estrada at nakilala bilang natatanging news channel na nag-ulat ng paglilitis mula simula hanggang sa pagtatapos nito.


Sa impeachment trial naman ni Chief Justice Renato Corona ngayong taon, muli na namang maglulunsad ang ANC ng live at walang tigil na pag-uulat ukol sa mahahalagang pangyayari sa paglilitis sa “Chief Justice on Trial, the ANC Coverage,” na magsisimula sa Lunes (Jan 16), 1 p.m.

Maghahatid ng maiinit na ulat mula mismo sa Senado ang beteranong political reporter at news anchor na si Lynda Jumilla at ang impeachment expert at Harvard alumnus na si Atty. Adel Tamano. Magbibigay naman ng mahahalagang balita mula sa ANC studio ang mga mamamahayag na sina Karen Davila at Tony Velasquez kasama ang isang grupo ng mga legal expert.

Bago magsimula ang live na coverage ng paglilitis, mapapanood muna sa ganap na 1 p.m. ang ilang primer. Kabilang dito ang pagpapaliwanag ng proseso ng impeachment at pagsisiyasat sa mahahalagang personalidad kabilang na ang Punong Mahistrado, mga abugado nito, mga taga-usig at ang Korte Suprema.

Itatampok din ang iba pang elemento sa kaso katulad ng posibleng hatol ng mga senator-judge at ang bangayan ni Corona at ng Pangulong Noynoy Aquino.

Bukod sa live na pagpapalabas ng paglilitis sa Studio 23 at live streaming sa abs-cbnNEWS.com, palalawigin ng ANC ang coverage nito sa pamamagitan ng social media. Ihahatid nito ang mga pinakasariwang update sa Twitter account na @ANCALERTS (#CJonTrial) at ANC 24/7 sa Facebook.

Maghahain din ng malalimang pagsusuri sa kaso ang ilang programa ng ANC. Hihimayin ni Adel sa “Tamano Perspective” ang mga highlight ng kaso tuwing Huwebes, 7 p.m, samantalang idodokumento naman ni Lynda ang pag-usad ng kaso sa “ANC Presents: Chief Justice on Trial” tuwing Martes, 7 p.m.

Tutukan ang “Chief Justice on Trial, the ANC Coverage” simula Lunes (Jan 16), 1 p.m. sa ANC (SkyCable ch. 27).

Bernadette Sembrano, mag-uulat na sa "Top Story"

Samantala, mapapanood na ang award-winning na mamamahayag na si Bernadette Sembrano sa “Top Story”. Sasamahan nito ang beteranong anchor na si Tony Velasquez sa pagbibigay ng pinakamalalaki at pinakamahahalagang balita sa bansa, Lunes hanggang Biyernes, 5 p.m.

Share

Sa unang pag-arangkada ng Kapamilya Karavan ngayong 2012 - Gerald Anderson, Enchong Dee at iba pang mga Kapamilya Stars, makikisaya sa Sinulog Festival

Wala nang makapipigil pa sa paggulong ng Kapamilya Karavan ng ABS-CBN Regional Network Group sa pagbibigay-saya sa mga Pilipino saan mang sulok ng mundo, dahil umpisa pa lang ng taon, agad itong aarangakada sa pinakaabangang Sinulog Festival sa Cebu City.


Tampok sa Kapamilya Karavan na gaganapin ngayong Enero 14, 4p.m. sa Ayala Mall Terraces, ang ilan sa pinaka-pinaguusapang Kapamilya stars na sina Gerald Anderson ng “Budoy,” Enchong Dee ng “Maria La Del Barrio,” Kaye Abad ng “Angelito,” at sina Jason Francisco, Melai Cantiveros, Jason Gainza, Ryan Bang at Pooh ng “Banana Split.”

Ani Gerald Anderson, ituturing niyang hindi lang pagtatanghal kundi pasasalamat din ang kanyang pagbisita sa Sinulog Festival ng Cebu, lalo’t patuloy ang pagsuporta ng mga Cebuano sa kanyang teleserye at sa bagong pelikula kung saan katambal niya muli si Sarah Geronimo.

“Masaya talaga ako na nakapagbibigay ng inspirasyon sa mga Cebuano ang ‘Budoy.’ Kaya malaki ang pasasalamat ko sa kanila. Ang makapag-perform at magbigay-aliw sa harapan nila ang pinakamaganda kong pwedeng gawin.”

Nais naman umpisahan ni Enchong ang taon sa isang taimtim na panalangin sa Sinulog Festival. Aniya, utang niya sa maykapal ang tagumpay niya bilang aktor.

“Ang purpose naman talaga ng mga fiesta ay para magpasalamat sa masaganang buhay sa isnag lugar. Kaya gusto ko i-take ang oportunidad na ito para magpasalamat sa masagana ring buhay na ipinagkaloob sa akin,” ani Enchong.

Ang Sinulog Festival ay isa sa pinakamalaki at makulay na taunang kapistahan sa bansa. Hango sa salitang Sinulog, o sayaw ng pagpapasalamat, layunin ng pagdiriwang na magbigay-pugay kay Sto. Niño, o batang Hesus.

Abangan din ngayong Enero, ang muling pagpapasiklab ng iba pang Kapamilya stars sa Kapamilya Karavan sa darating na Dinagyang Festival sa Iloilo.

Huwag palampasin ang iba pang mga sorpresang handog ng ABS-CBN Regional Network Group!

Share

Robin Padilla, "Toda Max" ang pagkamiss kay Bea Alonzo


Kung may ka-trabahong nami-miss ang maginoong si Robin Padilla, iyon na marahil si Bea Alonzo na kanyang nakasama sa patok na teleseryeng “Guns and Roses” noong nakaraang taon.

“Nami-miss ko siyempre ‘yung kagandahan ni Ms. Bea na nagbibigay ng ngiti sa lahat ng mga tao sa ‘Guns and Roses’ noon,” ani Robin.

Para naman kay Bea, ang pagiging maginoo ni Robin ang hindi niya malilimutan dahil sa ganoong paraan niya lalong nararamdaman ang pagiging isang leading lady niya.

Matutupad muli ang kahilingan ni Robin na maka-trabaho si Bea, lalo’t guest ito sa “TODA Max” ngayong Sabado (Enero 14).

Sa nasabing episode, yayayain ni Lady G (Pokwang) sina Tol (Robin) at mga anak na sina Sandy (Aaliyah Benisano) at Ronron (Izzy Canillo) na mag-sleepover sa bahay na ipinagbibili sa kanya, sa pagnanais na pikutin ang biyudong ama. Si Justin (Vhong Navarro) naman ay suportado ang pangarap ng kanyang pinsan na si Tol na magkaroon ng sariling bahay. Kaya’t sumama rin siya sa sleepover na nagsilbing outing na rin para sa kanila.

Paano kung ang may-ari pala ng bahay ay ang Schizophrenic na si Sasi (Bea) na hindi maka-move on mula sa mapait na karanasan sa pag-ibig? Paano kaya siya makaka-apekto sa buhay ng mga taga-Beverly Gil’s.

Tunghayan ang “TODA Max,” pagkatapos ng “Maalaala Mo Kaya” sa ABS-CBN. Para sa mga updates, mag-logon sa http://twitter.com/abscbndotcom.

Share

Nakakaantig na pelikulang "100," tampok sa Cinema One


Buong-pusong inihahandog ng Cinema One, ang numero-unong cable channel sa bansa, ang isang nakakaantig na paglalakbay sa pelikulang “100” ni Chris Martinez na pinagbibidahan nina Mylene Dizon, Eugene Domingo, Tessie Tomas, Ryan Eigenenman, Cecil Paz, TJ Trinidad at Simon Ibarra.

Kwento ang “100” ni Joyce (Mylene) na may cancer, kaya’t gumawa siya ng listahan ng 100 dapat gawin sa loob ng tatlong buwan bago siya tuluyang humimlay. Uumpisahan niya ang kanyang paglalakbay sa mga pagtapos sa mga praktikal na bagay na isinama niya sa kanyang listahan. Pagkatapos ay pagtutuunan niya ng pansin ang kanyang spiritwal na pangangailangan. Nakaagapay sa kanya ang kanyang pinakamatalik na kaibigan na si Ruby (Eugene), ex-boyfriend na si Emil (Ryan) at katulong na ni Me-an (Cecil), at maging ang kanyang inang (Tessie) hirap tanggapin ang kanyang sinapit. Matapos ang masaya’t ma-dramang mga tagpo, isang nakakaiyak na pagwawakas ang dapat abangan.

Ang obrang ito ni Martinez ay sumabak na sa iba’t ibang filmfests sa ibang bansa kung saan humakot din ito ng mga parangal. Ilan dito ay ang Korea New Network (KNN) Movie Award sa ika-13 na Pusan International Film Festival at special award sa ika-15 na Vesoul International Festival of Asian Films. Dito sa bansa, nakatanggap ang “100” ng mga parangal mula sa Cinemalaya Film Festival noong 2008 tulad ng Audience Choice, Best Actress (Mylene Dizon), Best Director (Martinez), Best Screenplay (also for Martinez) at Best Supporting Actress (Eugene Domingo).

Nakatanggap din ang pelikula ng magagandang review mula sa mga kritiko. Isa na nga dito ay mula kay Maggie Lee ng The Hollywood Reporter. “Thoughtfully scripted and performed with a delicate balance of gravity and humor, the dignified image of women represented by director Chris Martinez here is exceptional for a Philippine melodrama with mainstream aspirations. A change of scene from gritty Philippine festival films set in slums, "100" is slickly produced with a yuppie setting; its themes of family, friendship and memento mori can connect with audiences anywhere,” aniya.

Kilalanin si Joyce sa kanyang pagbabahagi ng kanyang buhay sa atin. Tunghayan ang “100” ngayong Enero 15, Linggo, 8p.m. sa Cinema One. Ang Cinema One ay available sa SkyCable Gold, SkyCable Silver at iba pang quality cable operators sa buong bansa. Para sa iba pang impormasyon, mag-logon sa http://www.facebook.com/Cinema1channel

Share

Richard Gomez, makikijamming sa "Happy Yipee Yehey!"

Kung maraming magandang babae ang parating itinatampok sa “Happy Yipee Yehey,” siyempre naman kailangang maging masaya rin ang mga babae. Ngayong Sabado (Enero 14) maliban sa naggagwapuhang sina Randy Santiago, John Estrada at Rico J Puno, makikisaya din sa HYY barkada ang isa sa mga pinaka-gwapo sa industriya si Richard Gomez.


Kasama ang RJR, pakikiligin ni Goma ang mga kababaihan sa kanilang mga awitin. Ito’y bilang paghahanda na rin sa napipintong paglulunsad ng teleserye ni Goma na “Walang Hanggan,” na siyang sinasabing pinakamalaki ngayong taon.

Ang nagbabalik Kapamilya rin na si Patrick Garcia ay sasabak sa isang malaking hamon, ang maging hurado sa “Who’s That Girl,” kung saan kailangan niyang mahulaan kung sino sa mga pusturang-pusturang kalahok ang tunay ba babae.

Ang iba pang host naman na sina Pokwang, Bianca Manalo at Toni Gonzaga ay makiisa sa masaya’t makulay na pagdiriwang ng Sinulog festival sa pamamagitan ng kanilang bonggang-bonggang opening number.


Nakatakda ding ibigay ng HYY ang isang bagong jeep para kay Elma Nolla, 49, may pitong anak, na masuwertrng nagwagi sa “Susi Ng Kapalaran.” Sa premyong napanalunan hangad ni Elma na matustusan ang pangangailangan ng kanyang pamilya.

Samantala, isang exciting din na palaro ang handog ng HYY. Matapos ang “Batang Genius,” aarangkada naman ang “Feeling Genius” kung saan tampok ang mga sexy comedienne na sina Keanna Reeves at Angelica Jones.

Walang patid ang kasiyahan na handog ng pinaka-masayang kabarkada sa tanghali. Huwag palampasin ang “Happy Yipee Yehey!” mula Lunes hanggang Sabado, pagkatapos ng “Showtime” sa ABS-CBN.

Share

Tru Blooded Kapamilya Followers