Hitik sa powerful performances ang hatid sa TV viewers ngayong Linggo (Pebrero 24) ng no.1 Sunday musical variety show ng bansa na "ASAP 18," kung saan tampok ang engrandeng selebrasyon ng 30th showbiz anniversary ng Divine Diva na si ZsaZsa Padilla; at ang show-stopping birthday bash ng Concert Sweetheart na si Anne Curtis.
Full force din sa paghataw ang ASAP Kapamilya sa inihandang showdown ng Supahdance royalties na sina Maja Salvador at Shaina Magdayao sa ASAP Rewind ng "Rated R” segment; na susundan ng ika-8 anibersaryo ng ASAP dance group na G-Force.
Back-to-back na pasiklaban ng talento naman ang matutunghayan sa ASAP centerstage dahil sa espesyal na dance number ng Kapamilya teen stars na sina Ella Cruz, Paul Salas, Jerome Ponce, Jane Oineza, Claire Ruiz, Kit Thompson, Sofia Andres, at Khalil Ramos; at sa pagsasama-sama ng cute na cute na Kapamilya child wonders na sina Bugoy CariƱo, Izzy Canillo, Clarence Delgado, at Zaijian Jaranilla bilang kiddie version ng Kanto Boys.
Samantala, saksihan ang world-class concert experience na ihahandog nina Martin Nievera, Vina Morales, Kuh Ledesma, Erik Santos, Jed Madela, ASAP Pinoy Champs, at ng ASAP Sessionistas.
Huwag din palampasin ang powerful dance extravaganza ng Kapamilya leading ladies na sina Cristine Reyes, Jessy Mendiola, at KC Concepcion; at ang pinakamalulupit na performances nina Kim Chiu, Maja Salvador, Enrique Gil, John Prats, Rayver Cruz, Iya Villania, Gab Valenciano, at Jericho Rosales sa "ASAP 18" Supahdance.
I-todo ang singing at dancing powers ngayong Linggo at maki-celebrate na sa 2012 PMPC Best Musical Variety Show na “ASAP 18” 12:15 ng hapon sa ABS-CBN. Para sa updates, pictures at tsansang maka-hang out nang live ang stars ng ASAP Chill-Out, bumisita lamang sa http://asap.abs-cbn.com/, i-‘like’ang http://facebook.com/asapofficial, sundan ang @ASAPOFFICIAL sa Twitter at makibalita sa latest happenings sa “ASAP 18” sa pamamagitan ng pag-tweet ng hashtag na #ASAPPower.
Share








0 comments:
Post a Comment